Friday, December 19, 2008

Cpu...

Matagal tagal na din bago ulit ako naka pagpost..
Nandito lang naman ako sa bahay..
Pero tinatamad lang talaga akong magpost..

Badtrip na pc, hindi ko pa din naayos..
Ang masama pa, lalo pa itong nagkaproblema..

Last month, dahil may review ako..
Hindi ko magawa o mapaayos ang cpu ko..
Lagi na lang ako nagrereformat tuwing nag eerror ang cpu ko..
Kumbaga, suki ng reformat ang cpu ko..
Hindi ko naman malaman kung ano ang tunay na dahilan bakit laging nasisira ang cpu ko..
Kung nakaka apekto ba ang hindi pag reformat ng drive D. Drive C lang kasi ang nirereformat ko kasi yun lang naman ang mga may program..

Sira din ang power supply ng cpu ko.. Ang hirap i start up..
Ang malupit dito, nilinis ang loob ng cpu ko, ginalaw ang mga memory at lan card..
At nung bubuksan ko na, ayaw gumana! amp! may toooot lang na tumutunog kaya naman nilikot ko ulit ang memory..

Nung medyo ayos na, nasira na ang 512mb na memory, ang natira na lamang ay ang 256mb na memory, mas nauna pang nasira yung bago kesa dun sa luma.. Amp! Pero sabi ng kaibigan ko, try ko daw ulit likutin yung 512mb na memory baka sakaling gumana nga.. *sana*

Sana maayos ko ang mahal kong pc bago sumapit ang 2009, pero mas maganda kung bagong cpu mismo, wahahaha..

Godbless...

Wednesday, December 10, 2008

Kung ano lang...

Habang nag browse ako sa internet..
Nakita ko lang to..
Wala akong mapost eh.. wahaha. XD

1. "Kung hindi mo mahal ang isang tao, wag ka nang magpakita ng motibo para mahalin ka nya.."

2. "Huwag mong bitawan ang bagay na hindi mo kayang makitang hawak ng iba."

3. "Huwag mong hawakan kung alam mong bibitawan mo lang."

4. "Huwag na huwag ka hahawak kapag alam mong may hawak ka na."

5. "Parang elevator lang yan eh, bakit mo pagsisiksikan ung sarili mo kung walang pwesto para sayo. Eh meron naman hagdan, ayaw mo lang pansinin."

6. "Kung maghihintay ka nang lalandi sayo, walang mangyayari sa buhay mo.. Dapat lumandi ka din."

7. "Pag may mahal ka at ayaw sayo, hayaan mo. Malay mo sa mga susunod na araw ayaw mo na din sa kanya, naunahan ka lang."

8. "Hiwalayan na kung di ka na masaya. Walang gamot sa tanga kundi pagkukusa."

9. "Pag hindi ka mahal ng mahal mo wag ka magreklamo. Kasi may mga tao rin na di mo mahal pero mahal ka.. Kaya quits lang."

10. "Kung dalawa ang mahal mo, piliin mo yung pangalawa. Kasi hindi ka naman magmamahal ng iba kung mahal mo talaga yung una."

11. "Hindi porke't madalas mong ka-chat, kausap sa telepono, kasama sa mga lakad o ka-text ng wantusawa eh may gusto sayo at magkakatuluyan kayo. Meron lang talagang mga taong sadyang friendly, sweet, flirt, malandi, pa-fall o paasa."

12. "Huwag magmadali sa babae o lalaki. Tatlo, lima, sampung taon, mag-iiba ang pamantayan mo at maiisip mong hindi pala tamang pumili ng kapareha dahil lang maganda o nakakalibog ito. Totong mas mahalaga ang kalooban ng tao higit sa anuman. Sa paglipas ng panahon, maging ang mga crush ng bayan nagmumukha ding pandesal, maniwala ka."

13. "Minsan kahit ikaw ang nakaschedule, kailangan mo pa rin maghintay, kasi hindi ikaw ang priority."

14. "Mahirap pumapel sa buhay ng tao. Lalo na kung hindi ikaw yung bida sa script na pinili nya."

15. "Alam mo ba kung gaano kalayo ang pagitan ng dalawang tao pag nagtalikuran na sila? Kailangan mong libutin ang buong mundo para lang makaharap ulit ang taong tinalikuran mo."

16. "Mas mabuting mabigo sa paggawa ng isang bagay kesa magtagumpay sa paggawa ng wala"

17. "Hindi lahat ng kaya mong intindihin ay katotohan, at hindi lahat ng hindi mo kayang intindihin ay kasinungalingan"

18. "Kung nagmahal ka ng taong di dapat at nasaktan ka, wag mong sisihin ang puso mo. Tumitibok lng yan para mag-supply ng dugo sa katawan mo. Ngayon, kung magaling ka sa anatomy at ang sisisihin mo naman ay ang hypothalamus mo na kumokontrol ng emotions mo, mali ka pa rin! Bakit? Utang na loob! Wag mong isisi sa body organs mo ang mga sama ng loob mo sa buhay! Tandaan mo: magiging masaya ka lang kung matututo kang tanggapin na hindi ang puso, utak, atay o bituka mo ang may kasalanan sa lahat ng nangyari sayo, kundi IKAW mismo!"

19. "Pakawalan mo yung mga bagay na nakakasakit sa iyo kahit na pinasasaya ka nito. Wag mong hintayin ang araw na sakit na lang ang nararamdaman mo at iniwan ka na ng kasiyahan mo."

20. "Gamitin ang puso para alagaan ang mga taong malalapit sa iyo. Gamitin ang utak para alagaan ang sarili mo."

21. "Ang pag-ibig parang imburnal...nakakata kot mahulog...at kapag nahulog ka, it's either by accident or talagang tanga ka.."

Tuesday, December 9, 2008

December..

Ayos.. Isang linggo na akong nasa bahay..
Natapos na din ang nursing licensure exam..
Ang masasabi ko lang ay ayos lang ang exam at tama lang..
Ang mahirap ngayon, tambay na ulit ako sa bahay! haha..

Mas nasanay na akong nagbabasa pag ka uwi..
Tapos mag ice cream at pahinga tapos basa ulit..
Tapos tulog..
Hindi tulad ngayon, nandito na naman ako sa harap ng computer..
Wahaha..

Balak ko mag-aral ulit..
Autocad sana, mahal kasi ang culinary..
Sino may alam ng basic ng autocad?. paturo naman..
Haha..

Godbless..

Tuesday, November 11, 2008

Ilang weeks na lang..

Natapos ang limang araw na bakasyon na walang nangyari..
Ang dami kong balak pero hindi ko naman nagawa..
Malapit na ang araw ng nursing licensure exam..
Ilang araw na lang..

Start na ng final coaching namin bukas..
Nov. 12 - 27.. Sunod sunod, walang pahinga..
Sana kayanin ko at hindi na magkasakit..
Wahaha..

Hindi muna din ako mag bubukas ng computer simula bukas..
Para focus muna sa libro.. Magawa ko kaya? Wahaha..

Godbless..

Thursday, November 6, 2008

Time Management..

Nandito na ulit ako sa bahay dahil sa malupit kong pag aadjust sa schedule sa review..
Sa halip na sa lunes pa ang balik ko dito ay napaaga na..
Naging huwebes agad.. Haha..

Eto ang original na sched:

11/03/08:
Pscyhe nursing 2 7am -3pm
11/04/08: Pharmacology 7am - 3pm
11/05/08: Walang pasok
11/06/08: ER/Pain management 7-12
11/07/08: MS Rationalization 8am - 5pm
11/08/08: Psyche 3 8am - 12pm
11/09/08: Pratice test Rationalization 8am - 5pm
11/10/08: Fundamentals 8am - 12 pm

Pero dahil ayoko ng wala akong ginagawa.. Eto ang ginawa ko..

11/03/08: Pscyhe nursing 2 7am -3pm
11/04/08: Pharmacology 7am - 3pm
11/05/08: MS Rationalization 8 - 5pm
11/06/08: ER/Pain management 7am -10am and Practice test Rationalization 10am - 5pm

Buti na lang at napasukan ko na dati pa ang psyche 3..
Yung sa funda naman ay babasahin ko na lamang..
Wahaha.. Buti na lang at pwedeng gumawa ng schedule dun sa review center namin..

Amp! Kala ko pa naman ay tuwing biyernes lang trapik pag pa uwi ng cavite..
Pero nagkamali ako.. Trapik din pala kahit sa ibang araw.. Amp!
Mabilis lang talaga ang byahe pag linggo..

Mas ok talaga pag nasa dorm, dahil kaharap ko ang libro at test paper..
Pero pag nasa bahay, eto ako ngayon, kaharap na naman ang computer..
Wahaha..

Godbless..

Sunday, November 2, 2008

Review..

November 3, 2008..
Ilang araw na lang at nursing licensure exam na naman..
24 days na lang..

24 days na lang para mag aral..
Tapos na ang tatlong araw na relax..
Ni hindi man lang ako nagbuklat ng libro o kahit past board question..

Bukas nandun na naman ako sa dorm..
Hanggang linggo na yun..
Uuwi ng linggo para magsimba at makita ang aking kapatid at magulang..

Review review...
Pasok + review + tulog + kain + review + ice cream + basa + tulog = Ayos!
Wag lang magkakasakit...

Thursday, October 30, 2008

Byahe..

Matagal tagal na din bago ulit ako nakapag update sa aking bulok na blog..
Dahil sunod sunod na din ang mag rereview..
Para makapasa na sa board exam...
Wahaha..

Kagabi habang nakatambay (yeah, nakapag relax din)
Nag kwentuhan kami ng kung ano ano..
Kasama ang apat kong kaibigan, samahan ng ice tea at snack foods.. Solve!

Napagkwentuhan yung mga nangyaring trapik..
Route: Cavite - Metro Manila

1. Yung may rally sa Makati.. Hinarangan yung mga papuntang manila dahil manggagaling south daw yung sasama pa sa rally..

Parang dagat daw sa may baclaran.. Nagsama sama ang mag tao... Pwede na siguro dun mag ka stampede.. Haha.. Pag may dumadaan daw na fx o bus, parang mga langaw na sumusunod ang tao para lang makasakay sa bus.. Meron din namang mga bus na sa novaliches ang kanilang byahe pero nag iba ng route, bumiyahe sila papuntang dasma cavite at ang singil sa pamasahe ay 50php.. amp.. Kakaiba talaga ang nagagawa ng gobyerno ngayon..

2. Yung nagbaha sa bacoor..

Umabot yung trapik sa tollgate ng coastal papasok nga cavite.. Hinarangan na nga din daw yung mga papasok ng coastal dahil hindi talaga umaabante ang trapik.. Naranasan ko ang trapik na yun dahil nagsundo ako nun sa domestic airport.. Inabot kami ng 3 oras simula domestic airport hanggang imus cavite.. Yung iba nga daw na dumaan sa aguinaldo highway, naglakad na lang sa baha para maka uwi lang.. Mas mahaba pa ang inabot nilang byahe kesa sa amin.. San ba napupunta ang pondo ng gobyerno?..


Yan lang naman yun nakapag kwentuhan kagabi..
Ako naman, yung mga naranasan ko sa bawat byahe..

1. Mainit pala umupo dun sa likod ng driver dahil nandun ang makina amp..
2. Nung pauwi na ako sa amin, sa halip na iabot ng katabi ko yung bayad nya sa ibang tao, kinalbit ako at iniabot sakin ang bayad.. amp..
3. 5.30am, nasa highway na ako para makasakay ng bus at makaupo.. pero amp.. Imus pa lang standing na agad, tapos biglang may dumaan na ibang bus.. walang sakay!
4. Bakit may mga bus na ayaw tumanggap ng student discount kahit may pasok pa, yung iba naman dapat daw naka uniform ka..
5. Pinaka trapik umuwi pag friday.. Hindi ko alam kung bakit..

Wahaha..
Bakasyon ng 3 araw..
Wala munang byahe...

Godbless..

Monday, October 13, 2008

Nars..

Kagabi, naka usap ko ulit ang klasmeyt ko nung HS..
Matagal na din kaming hindi naka pag usap..
Klasmeyt ko na din siya simula nung grade 1 pa lang..
Haha..

Kamustahan lang..
Nabanggit nya sa akin na wag na daw akong umalis ng bansa para magtrabaho dun..
Isang dahilan ay ang world crisis..
Amp..

Ano ba ang kinuha kong kurso..
Nursing, nurse na kailangan sa ibang bansa..
Praktikal lang naman..

Nabanggit ko din na walang kwenta mag nurse dito sa pilipinas..
Sa aking opinyon..
Isa na lang dito ay...

Pag nagtrabaho ka sa ospital (mga piling ospital)
Hindi ka muna agad magiging staff nurse, dahil ikaw ay magiging trainee muna..
Ilang buwan din yun..
PROFESSIONAL na yung job mo nun pero trainee ka lang?..
O kaya naman volunteer..
Sino ba naman aasenso sa ganyang patakaran?.. Haha..

Opinyon ko lang naman yan..
Bato bato sa langit ang tamaan wag magagalit..
Haha..

Godbless..

Wednesday, October 8, 2008

Mag aral at mag aral..

Sa wakas nakapaglipat na kami ng dorm sa manila..
Makakapagpahinga na din ng maayos at hindi na mapapagod sa mahabang byahe..
Kaso ang problema, kung 7-3pm lang ang review namin..
Ano ang gagawin namin ng 3pm - ????..
Hindi pa namang ganun kalamig sa dorm..

Pero isa lang ang dapat gawin..
Mag aral at mag aral..
Wahaha..

Gusto ko na talaga mag upload ng pics..
Kaso, wala akong battery sa digicam..
haha..

Godbless..

Sunday, September 14, 2008

Bakit nga ba?

Alam ko naman ang mga pilipino ay magagalang..
Tulad ng pagsabi ng opo sa mga nakakatanda..
Pero minsan hindi naman natin sinasadya na makalimutan ang pag sabi ng po at opo..
At sasabihan tayo/kami, bisaya ka ba?..

Ano naman kinalaman ng mga bisaya sa opo at po..
Yun ang lagi sinasabi sa akin pag nakakalimutan kong mag salita ng po at opo..

Maiba naman..
Kanina habang bumibili ako ng makakain sa south star drug..

May isang babae na may kausap sa cellphone..
Hindi ko naman sinadyang mapatingin sa kanya ng matagal dahil may napansin ako..
Tumutungo siya habang may kausap, na parang ibig sabihin sumasang ayon.. "oo, alam ko na" dun sa kausap natin o kaya nakuha na natin ang nais iparting ng kausap nya..
Pero bigla ko napansin..
Bakit kailangan pa natin tumungo pag may kausap?.. Haha..
O nakasanayan lang natin?..

Meron pang sanang isa..
Kaso madaming tatamaan dun..
Wahaha..
Pakinggan nyo na lang yung "mukha ng pera - parokya ni edgar"
Yun na din yun e.. Wahaha...

Godbless..

Tuesday, September 9, 2008

Sarili kong law(?)

Ayos.. Nagsimula na din ang review namin last week para sa november board exam..

Unang araw.. Orientation pa lang namin..
Ang alam ko 7am ang orientation kaya dumating ako dun ng 7.15am. amp. 8am pala ang start..
Napaaga pa tuloy ako..

Kinabukasan.. Start na ng review..
Ayun na late na nga ako..
Pero mas nauna pa din ako sa lecturer namin..
May pre-test at post-test..
Ang maganda dun, lagi ako bagsak..
Wahaha...
Hindi ko alam kung natanga ba ako o ano..

Sa nursing ay may Good samaritan law..
Ito yung mga nurse na kusang tumulong sa mga nangangailangan..

Ako din ay may sariling samaritan law..

Una: Nagpahiram ako sa isang employer ng payong dahil ang malakas ang ulan.. Nung una, gusto nya ihatid ko siya dun sa kabila habang buhos ang ulan.. Ang ginawa ko, pinahiram ko na lang siya ng payong at hinintay pabalik..

Pangalawa: Nung nasa bus na ako pauwi habang nagtetext.. May isang mamang nakitext sa akin, tinignan ko muna ang itsura baka kasi itakbo.. Pero mukhang matino naman kaya pinahiram ko na din.. Wahaha..

Review ko na naman bukas..
Sana hindi ako malate..
Wahaha...

Sunday, August 17, 2008

Tambay

Ayos.. Ngayon lang ulit naka pag post..
Wala din namang nagbabasa kung hindi ako lang.. *wahahaha*
Basta may mailagay lang..

August na din..
Mabilis talaga lumipas ang oras pag walang ginagawa..
Tulad ko.. Isang tambay sa bahay..
Wahaha..

Kailangang mag aral na ulit para sa exam..
Pero hindi ako makapag aral..
Wala naman akong ginagawa.. *amp*
Wahaha..

Thursday, July 24, 2008

June nursing board exam 2008

Lumabas na ang result ng june nursing board exam ngayon lang..
Kaya lang, sinawing palad ako.. Hindi ako napasama sa mga nakapasa..
Sa ngayon hindi pa ako RN. Sa susunod magiging RN na din ako.. XD

Eto nga pala link sa mga gusto makakita nung result nung board exam..
Pero bukas meron na din nan sa dyaryo.. Haha..

http://media.inquirer.net/inquirer/examresults/nursing-07242008.pdf

Salamat sa mga nagdasal, at sumuporta..
Congrats sa lahat ng nagtake.. :)

Godbless..

Thursday, July 3, 2008

Anong trabaho?

July na..
Yehey, isang buwan na din akong nagbabakasyon..
Bakasyon na walang ginagawa..
Kain, tulog, kain, comp, linis ng bahay, kain, comp, tulog..
Halos hindi na ako tinatamaan ng sikat ng araw dahil hindi na ako lumalabas ng bahay..

Pero nung last sunday..
Nagpunta ako sa perpz para umattend ng seminar "Basic Ecg"
Magaling ang speaker..
Mas madali ko ng naintindihan..
Pero nakalimutan ko na ulit..

At nung pauwi na ako..
May sumakay sa jeep na sinakyan ko na anim na malalaking lalake..
Kinabahan ako dahil kala ko ay holdap na at pinaggitnaan pa ako..
Buti na lang pala ay hindi.. *whew*

Kahapon ay umalis ako ng bahay para sikatan ng araw *amp*
Nag restock ako ng pagkain sa bahay para sa merienda..
Wahaha..

At habang sa package counter ako..

Crew: "Deposit sir?"
Ryan: *Natanga* Ha? *May bitbit ako*
Crew: "Kung deposit po?"
Ryan: "Ah oo, eto oh" *nabadtrip*

Hindi ko alam bakit tinanong nya pa kung deposit e nakita naman na binibigay ko yung bitbit ko, at alam ko nasa tamang lane ako.. Grrr.. Napagtripan lang kaya ako??.. Haha..

Yehey july na..
Dapat maghanap na ng trabaho..
Haha..

Wednesday, June 25, 2008

Jeep..

Ilang araw na lang at mag iisang buwan na akong tambay..
"OO" ako ay tambay..
Taong bahay..
Taong tanghali gumising..
Taong utusan..
Taong tiga linis ng bahay..
Taong tiga luto at tiga ligpit ng pagkain..
Kung pagsasamahin yan..
Ako ay katulong sa bahay..
Wahahaha..

Kagabi ay umalis ako ng bahay para kunin ang libro sa isang kaibigan..
Nung papauwi na ako..
Sumakay ako sa terminal ng jeep..

Setting: (Nasa loob ng jeep, ako, driver, 2 pasahero na nagtitinda ng sigarilyo at isang babae)

Tindera: "Mama, bayad po"
Ryan: *Inabot ang pamasahe"
Kasama nung tindera: "Pwede na po ba yan"
Driver: *binilang ang pera* "Kulang pa po ng 3 piso, siete na nga lang siningil ko dun sa bata eh"
Tindera: *Tahimik lang*
Ryan: *Nakatingin lang*
Babae: "Iho, pa abot naman ng bayad"
Ryan: *Inabot ng pera na 50php*
Driver: "Ilan po ito?"
Babae: "Isa lang po yan, tapos kunin mo na yung 3 piso na kulang nung ale"
Driver: *tahimik* *inabot yung sukli*
Ryan: *Inabot yung sukli*
Babae: "Salamat"

Nakita ko yung driver na parang tumigil yung mundo nya nung sinabi nung babae na kunin yung 3 piso na kulang.. Para bang napahiya.. Napatulala talaga sya.. Kahit ako, hindi ko din naiisip na bayaran na lang yung kulang na 3 piso.. Mas nauna din kasi akong nagbayad..

Natuwa ako dun sa babae.. May mga tao pa din talagang nagmamalasakit sa iba.. Kakaiba talaga ang pinoy.. May natutunan ako ng araw na yun..


Godbless..

Wednesday, June 18, 2008

2007

June 18, 2007..
Naalala ko, yan ang start ng duty namin nung 1st sem nung 4th yr na ako.
Duty namin nun sa cavite center for mental health sa trece martirez cavite.
Kahit duty na namin, hindi ko pa nakikilala ang ka group ko.
Ibig sabihin, wala pa akong kakilala sa bagong section ko kahit isa(?)

Maaga duty namin nun, 6am. Kaya naman 4am nasa school na ako para hindi maiwan ng bus..
Pero umalis kami dun ng 5am..
Pag sakay ko ng bus, parang gusto ko na agad matapos ang araw.
Dahil wala nga akong kakilala..
Isa pa, sobrang gulo dun sa bus..
Parang may gera.. Tapos napagitnaan pa ako sa bus..
Ibig sabihin, dun ako naka upo sa gitna ng bus..

Pagdating sa trece, nag orientation lang kami..
Tapos meet yung mga ci namin, kahit nakita ko na ang bagong group ko..
Hindi ko pa din sila ganung kinausap dahil ayoko(?)
Pagkatapos nun, uwi din agad dahil orientation pa nga lang..

Nakakapagod mag palipat lipat ng section nung college.
Mag aadjust na naman kasi sa mga ugali, pero ang maganda dun.
Mas madami kang magiging kaibigan.
Haha.

June 18, 2008

Nandito lang ako sa bahay..
Nakatunganga magdamag..
Nanalo din ang boston celtics kanina sa nba. Sila ang nagchampion.
Nag init din si ray allen dahil naka 7/8 field goal sya sa 3point kung hindi ako nagkakamali.
Wala talagang magawa..

Gusto ko na din makita ang mga klasmeyt ko dati at ang mahal ko(?)..
Haha..


Godbless..

Tuesday, June 10, 2008

Tamad..

Isang linggo na din ang lumipas simula ng matapos ang board exam..
Isang linggo na din akong nagbabakasyon..
Masaya yung mga naunang araw dahil bakasyon din ng iba..

Pero ngayong pasukan na..
Nararamdaman ko na ang pagiging tambay..
Nakakatamad, wala akong kausap sa bahay..
Kaharap lang ang pc buong araw o kaya naman ay maglilinis ng bahay para may magawa kahit papaano..

Nakakatamad ang ganitong mga araw..
Parang nung napahinto ako sa pag aaral nung 2006-2007
Nakakatamad talaga..
Pahirapan pa ngayon sa trabaho.. haha..


NAKAKATAMAD!!!!!

Wednesday, June 4, 2008

Wahaha..


Kanina habang nagbubura ako ng files sa computer..
Dahil puno na naman yung 40gb kong hard disk..
Na hindi ko naman alam bakit puno na..
Ang alam ko lang masyado kasing mp3..
Hindi ko naman napapakinggan lahat..
Wahaha..

Nakita ko tong picture na to..
Alam ko 2nd yr college pa ito..
Nung nag community kami sa bucana sasahan naic, cavite..


Laughtrip lang.. Lalo pag nilagyan mo pa ng caption..
Haha..

Batang lalaki: *anong problema nito*
Batang babae: "Halikan mo ako"
Batang lalaki: *hindi na nakapagsalita, kita naman sa reaksyon oh*

Haha.. Wala magawa..

Monday, June 2, 2008

Sa wakas..

Tapos na ang board exam..
Makakapagpahinga na din ako..
Wala na ding iisipan pa..

Ang gusto ko ngayon..
Magsaya at magbakasyon..
Wahaha..

Tuesday, May 20, 2008

May 20, 2008

Start na ng final coaching kanina..
Umalis ako ng 8am sa bahay namin..
At nakarating ako ng pass 10 sa sm manila..
2 oras amp!!!

Ang pangit ng unang araw ko sa final coaching..

*Tinanghali ako ng gising
*Pag sakay ko ng bus.. Puno!! Ibig sabihin nakatayo ako
*Pagdating ng bacoor.. Trapik agad!!
*Paglagpas ng tollgate sa coastal road.. Hindi pa nakakalayo.. Trapik na naman!!
*Ang masaklap dun, sa buendia na ako naka upo
*Ang tagal pa ng byahe kanina..

Bukas mag libertad na lang ako tapos fx ulit..
Mahal lang ng 8php pero hindi naman iinit ang ulo ko..
Wahahaha..

Araw araw na lang umuulan..
Sana hindi ako mag ka sipon o ubo..


10am nag start ang final coaching..
at umalis ako ng 8pm.. Hindi pa tapos ang lecture.. Wa.
Pano pa kaya sa susunod na araw..
Mas matagal pa daw ang review. Wa.

Lapit na din board..
Wahaha..

Kinakabahan ako.. Wahaha..
Sana matapos na to...


Godbless..

Friday, May 16, 2008

Rainy season na..

Dalawang araw na walang pasok..
Dalawang araw din na nasa bahay lang..
Dalawang araw na masaya at magulo..
Dalawang araw na walang tigil nag pag ulan..

Ilang araw na lang.. Board exam na..
Hehe.. Ayos na..

Kagabi.. Badtrip ang globe..
Nabawasan na yung load ko para sa unli..
Pero hindi ako unli... Amp
Bali 39php yung bayad ko para sa unli... GRRR..

Kagabi din..
Nakipagtalo na naman ako... *Ulit* Bihira yun..
Haha..
Wala lang..

Eto yun..
"May mga bagay daw na hindi na maibabalik sa dati"
Sakin naman..
"Nakadepende lang naman siguro sa tao yun.."

Wahaha. Gusto ko lang sabihin at ilabas..

Wednesday, May 14, 2008

Nokia

Naayos na din ang phone kong isa..
Hindi na kailangan bumili ng bago..
Tinanong ko ano ang sanhi ng pag fafailed ng pag send ng message..
Dahil daw yun sa pag fufull ng sent items.
Dapat daw ay hindi mapuno yun kung hindi mag eerror talaga..

Sa isip ko na lang..
Bakit pa nilagay yung sent items kung mag kakaganon lang din..
Wahaha..

Lumabas na ang resulta ng pre-board namin..
At ano ang resulta, syempre ano pa..
Bagsak ako...
Wahaha..

NCM 1 - pasa
NCM 2 - pasa
NCM 3 - bagsak
NCM 4 - bagsak
NCM 5 - bagsak

Ika nga, kung bagsak ka sa pre-board.. Hindi ibig sabihin na bagsak ka na din sa NLE..
Pero alam ko papasa ako, papasa ako!! *Self-confidence*

Kanina habang pauwi ng cavite..
May usapan tungkol sa away ng dalawang tao..
Pataasan ng pride.. Ano bang meron?..
Tapos bigla ako nasali sa usapan..

Klasmeyt: "Diba ryan"
Ryan: "Ano yun?"
Klasmeyt: "Wag masyadong makulit"
Ryan: "Ahh oo nga, wag masyadong makulit"

Parang sa araw na to..
Naiisip ko ang mga ginawa ko ng mga nakaraang araw..
Tadhana lang ba talaga..
Masyado nga ba akong makulit, baka nga.. XD

Ilang araw na lang, board exam na..
Pahingi ng tulong nyo, dasal lang po para sa akin at mag tatake ng board exam..
Salamat..

Godbless..

Monday, May 12, 2008

Try try

Walang pasok sa review center..
Wala din dumadating na text galing sa kanya..
Wala din nangyayari pag nasa bahay lang..

Ayos.. Ngayon ko pang i try ayusin ang blogspot..
Medyo mahirap kung wala kang idea pano aayusin..
Haayys..