Saturday, June 26, 2010

Makaraan ang mahabang panahon.

After 8months nakapag jamming ulit kasama yung mga kabanda ko dati..
Hindi naman nagbago ang mga kasama ko sa banda, kung sino yung dati, yun pa rin naman..
1st time ko atang tumagal yung banda kahit paminsan minsan lang mag jamming..

1st song "Obvious - Hey monday" Eto yung pinang laban namin nung battle of the bands kung saan hindi kami nakapasok hanggang finals, ewan ko kung bakit pero mas matino naman yung tinugtog namin kumpara dun sa isang nakapasok. Syempre ngayon lang ulit nag jamming, hindi namin natugtog ng maayos yung kanta..

2nd song "Never let this go - Paramore" Eto yung dapat na pang laban namin kung sakaling nakapasok kami dun sa finals ng battle of the bands. Haha. Ayos, hindi ko akalain na matutugtog namin ito ng maayos kumpara dun sa nauna, yun nga lang pumiyok ang aming vocalista..

3rd song "Brick by Boring Brick - Paramore" Hindi ko alam bakit napasama ito sa tinugtog namin kanina, pero ang alam ko e wala sa usapan na kasama tong kanta na to. Maayos na sana kaso hindi namin alam yung chords ng adlib kaya naman huminto na kami nung pagkatapos ng 2nd chorus.

4th song "My heart - Paramore" Ayos naman ang tugtugan dito, yun nga lang walang lead dahil nakalimutan na. Pero maayos naman sa kabuuan..

5th song "Tabi - Paraluman" Eto joke time lang, kala ko kakantahin pero hanggang intro lang, nahihiya yung bassist na kumanta pero siya ang nag request ng kantang ito..

Nung patapos yung oras namin sa pag tugtog, sinabihan kami ng bantay na last song. Ayos ang bilis ng oras, parang kanina lang e nangangapa pa kami sa pag tugtog pero nabitin kami. Kaya naman pinagsama sama namin yung tatlong kanta sa isang tugtugan, walang tigil na tugtugan, umabot ata kami ng 10mins. Haha.

At nung pauwi na kami. Nilibre kami ni *tatawagin natin topitops" sa kfc. Ang usapan dapat ay sa mcdo lang kami ililibre. Naghanap muna kami ng bangko para magkapag withdraw si topitops, buti na lang ay wala kaming nakitang malapit na bangko kaya naman napalayo kami. Ayun nilibre kami ni topitops sa kfc. haha. salamat ulit.

Parang nagkwento lang ata ako.. haha.

Godbless.

Monday, January 18, 2010

Great job..

Pinakamadaling trabaho na madali kumita na hindi na kailangan ng business o company..

Dispatcher:
Puhunan mo lang ang iyong boses, balat laban sa tindi ng sikat ng araw (pwede namang magdala rin ng payong), maganda pwesto na madalas tigilan ng mga sasakyan.. Sa tingin ko mas malaki ang sweldo nung mga dispatcher ng mga fx at van. Mas mahal ang pamasahe, mas malaki ang kita.

Tiga bantay ng motor/kotse:
Pagdadating ng sasakyan o motor, i kokontrata mo lang yung driver, minsan nga kusang nag kakaroon ng bantay dun sa sasakayan/motor. Kailangan mo lang rin ng magandang pwesto. Mag aantay ka lang ng darating at aalis, kikita ka ng pabarya barya kahit papa ano.

Tiga senyas:
Ganun lang rin, mag aantay ka ng aalis na sasakyan. Para ka lang magiging CTMO sa sarili mong lugar, at kikita ka na lang rin nga barya. Sa tingin ko malaki rin ang kita nito, mahina na ang 200 kada isang araw.

Yan ang mga madalas kong mapansin sa daan na mabilis kumita ng pera. Mahirap kung tutuusin pero mabilis lang kumita, wala pang oras. Hawak mo ang sarili mong oras. wahaha.

Pero pinakamabilis syempre yung mga mag aabang lang at manghuhuli. Instant umagahan, tanghalian, merienda at pang hapunan na rin. wahaha. :D

Lalo na siguro yung mga naka upo lang. haha.

Godbless..

Friday, January 1, 2010

2010..

Bubuhayin ko ulit ang blog ko..
Wahahaha. Amp.

Happy new year. :D

Tuesday, August 11, 2009

Matagal tagal na din nung huli akong nag update sa blog ko..
Hindi ko alam kung bakit hindi na ako nakapag update, tinamad lang siguro ako..
Hehe(?)

Kanina umalis ako para pumunta sa las piƱas, tulad ng sabi ni keo laging traffic sa aguinaldo highway, kaya naman hindi na ako nagtaka nung bigla kaming pinahinto ng mga 10mins..
Yun pala, may nagbanggaang kotse at jeep. Tsk tsk, hindi kasi nagbigayan..

Tapos nung sumakay na ulit akong jeep papuntang narinig ko namang nag uusap yung driver at tiga kuha ng bayad at tiga sukli nyang kasama..

Driver: "Ang mahal pala ng multa pag hindi naka sapatos at nakapantalon"
Tiga kuha ng bayad at tiga sukli: "Oo nga, 1000 php na."
Driver: "Ang mahal na nga, magkano ba dati?"
Tiga kuha ng bayad at tiga sukli: "......"
Driver: "Ang mahal na nga, magkano ba dati?"
Tiga kuha ng bayad at tiga sukli: *hindi sumasagot*

Kaya naman tinignan ko yung ibang driver, ayun may nakita akong naka short at tsinelas. Instant 1000php sa mga traffic enforcer. Pwede ng isang bucket meal, may sukli pa.

Tapos pauwi naman..

May ginagawang daan sa may *hindi ko alam yung tawag sa tulay, basta tulay yun*
E di buhos system yung ginagawa nila, buhos amp. wahaha. Counterflow pala.
Tapos may pa left turn na bus, hindi siya makaliko ng maayos dahil may nakaharang na motor ng traffic enforcer. Tapos habang papunta sa motor nya, ang bagal mag lakad.

Tapos yung isa naman, pinapahinto yung 10 wheleer truck, nandun siya sa gitna, galit na galit yung driver, dahil kung hindi nya na break yun, siguro patay ang nagpahintong tambay na traffic enforcer. E di lalong nagtrapik. Magiging trained first aider pa ako ng wala sa oras..

Tapos nung nasa multi cab naman ako.. May sumakay na pasahero at nagbayad..
Kakasakay lang ng pasahero..
Pagitan nung pagsakay at nung kanto mga 50meters lang siguro..

Pasahero: *Inabot yung bayad*
Driver: "San to?"
Pasahero: "Dyan lang sa kanto"

Sakto may kantong paparating, e di nag slow down habang papalapit na sa kanto

Driver: "San?"
Pasahero: "Kanto lang, kanto lang!!"

Huminto yung sasakyan at nagtanong yung driver..

Driver: "May bababa ba?"
Mga pasahero: "Walang naiimik"
Ako: *Tahimik lang din at naguluhan din sa driver at sa pasahero"

Yun lang, parang nag kwento lang din ako.. haha..


Godbless..

Wednesday, March 25, 2009

Try nyo gawin.. haha..

Naalala ko lang to nung nagpunta kami ng PRC(professional regulation commission) ng mga kaklase ko.. May nakita akong Manong na kumain ng candy at tinapon ang balat nito.. Balak ko sana kalbitin at sabihin...

Ganito ang sitwasyon..

Sa isang lugar na sobrang daming tao..

Ryan: *Kinalbit yung manong*
Manong: "Bakit"
Ryan: "Yung balat po ng candy nyo nahulog"
Manong: *Matatahimik o kaya naman magagalit*
Ryan: *Titignan kung ano gagawin*
Manong: *Pinulot yung balat ng candy*
Ryan: *Kinalbit ulit yung manong*
Manong: "Ano na naman?!"
Ryan: "Gusto nyo po ba makaganti"
Manong: "Paano?!"
Ryan: "Maghanap din kayo ng mga nagtatapon ng balat ng candy o kaya basura, makakatulong pa kayo"

Haha. Pero hindi ko ginawa, baka magkaroon pa ng gulo ng wala sa oras..

Lapit na earth hour.. I turn off natin yung ilaw ah, saglit lang yun.. Mas maganda kandila..

Godbless..

Tuesday, March 3, 2009

Akalain mo yun...

sa isang iglap lang e magkakaroon ng katuturuan ang bawat araw ko..
Last 2 weeks, lumabas na ang result ng board exam..
Ayun, pumasa na din.. hehe..

Last week naman.. Nagtraining kami sa red cross rizal chapter (alabang, muntinlupa)
Kasama ko ang mga former classmate ko sa dlsu-hsc na dlsu-hsi na ngayon..
Masaya ang training lalo na nung mga bandang last 2 days..
Pero nung unang araw, gusto ko ng mag dropped(?)..
Pero natapos naman namin ang buong training..

"I'm a trained first aider, may i help?"


Ngayong week naman, mag aayos ako para sa aking lisensya..
Naghahanap din ako kung saan pwede mag intravenous therapy training.. Baka may alam kayo dyan?.. Hehe..
Ayun, Balak ko din mag aral ulit.. haha.. balak lang naman...


Godbless..

Tuesday, January 20, 2009

Tambay..

Hanggang kelan kaya ako magiging tambay?..
Wahaha..

Akalain mo yun.. May nasuspended dahil sa blog..
haha. Buti na lang hindi ako nagaya dun..


Godbless..